Patuloy ngayong inoobserbahan sa pagamutan ang isang 25 anyos na babae, matapos itong pagtatagain ng isang lalaki na tinanggihan nitong bigyan ng kaniyang personal mobile number sa bayan ng Rosales, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Mary Ann Flores, 25 anyos, may live-in-partner, at isang cashier sa isang Lotto Outlet sa loob ng malaking mall sa nabanggit na bayan na residente  naman ng Brgy. Camanang, Urdaneta City. 

Habang ang suspek ay kinilalang si  Steven John Oril, 32 anyos, walang asawa, at dati ring nagtrabaho sa nasabing mall na residente Brgy. San Luis, Rosales.

--Ads--

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, sa Rosales PNP,  nakailang balik ang suspek sa pinagtatrabahuan ng biktima upang pilitin ito na ibigay ang kaniyang cellphone number ngunit ilang beses siyang tinanggihan ng biktima.   

Kinagabihan ay muling bumalik doon ang suspek upang kunin ang numero ng biktima ngunit hindi niya ito  ibinigay dahilan upang   ilabas  ng suspek ang isang bolo mula sa back pack nito at pinagtataga ang biktima ng ilang beses.

Nakaresponde naman agad ang duty Security Guard at mga Police Officers sa pinangyarihan ng krimen kung kayat agad na nadala sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima  habang  naman ang suspek.

Sa ngayon ang suspek at ang ginamit nito sa krimen na bolo na may habang humigit kumulang 19.5 na pulgada ay nasa kostudiya ng Rosales PNP at nahaharap sa patung-patong na kasong Frustrated Murder at Violation of COMELEC Gun Ban dahil sa pagtataglay ng deadly weapon.