Muling nanawagan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga drivers at operators dito sa probinsya na yakapin na ang programang modernisasyon sa Public Utility Vehicle (PUV)ng pamahalaan.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Narsudin Talipasan ang Regional Director ng LTFRB Region I patuloy aniya ang kanilang panawagan na palitan na ang mga lumang jeepney.
Aniya, panahon na upang bigyan ng puwang ang programang modernization sa transportasyon.
Dapat na umanong masolusyunan ang kalbaryo ng mga pasahero tulad na lamang ng pagkalanghap ng sobrang usok o polusyon sa lansangan na dulot na ng mga lumang sasakyan.
Isama pa ang madalas n ring nagiging suliranin at banta sa kaligtasan ng mga pasahero ang wala na sa kondisyon na mga sasakyan na ayon kay Talipasan, na ay dapat na ring mabigyan ng kaukulang pansin sa ilalim ng naturang programa.
Pahayag pa ng opisyal, ang modernization program ng pamahalaan ay pwedi ding pakinabangan ng mga operator at driver dahil maaari umano itong susi upang madagdagan ang kanilang mga kita.