DAGUPAN CITY– Nakumpiska sa isinagawang pagpapatrolya ang tinatayang 900 kilo ng bangus na biktima ng fishkill dito sa lungsod ng Dagupan, Pangasinan.

Galing umano ng Western Pangasinan ang mga nakumpiskang bangus na hindi na maaring kainin pa dahil sa biktima ang mga ito ng fishkill.

Katuwang ng Dagupan City PNP ang Anti Hawking Department ng siyudad nang isagawa ang pagkumpiska sa mga naturang bangus na nakalagay sa 25 plastic box.

--Ads--

Nakatakda namang sampahan ng kaso ang mga nagbiyahe dito na kinilalang sina Evelyn Venancio, Jojo Doquenia, Kevin Doquenia at Larry Venancio.