DAGUPAN CITY– Isinailalim sa culling procedure ang nasa 900 baboy sa isang farm sa Norzagaray, Bulacan matapos magpositibo ang mga ito sa African Swine Fever (ASF).

Sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Dagupan mula sa 900 na baboy ay may 500 biik na lamang at 31 inahin ang nabubuhay sa eco-farm sa Brgy. FVR ang nakatakdang patayin.

Nangako umano ang may-ari ng farm na matatapos ang pagbabaon sa lahat ng kinuryenteng baboy mula sa anim na talampakang lalim ng lupa.

--Ads--

Aniya, nasa apat lamang na backyard raiser na nasa loob ng 1-kilometer radius ang kanilang tinututukan.

Iniutos din ng lokal na pamahalaan ang “lockdown” sa lugar upang hindi na kumalat ang ASF.

Patuloy ang pagbabantay ng mga awtoridad sa mga farm at apat na backyard raisers na posibleng maapektuhan ng ASF habang nakahandang magbigay ng tulong ang pamahalaang bayan sa mga apektadong hog raisers.