Dagupan City – Mga kabombo! Sinong mag-aakala na ang martilyo pala sa tahanan mo ang magdadala ng bomba at panganib sa iyo?

Ayon sa ulat, hindi kasi lubos akalain ng 90-year-old Chinese woman na nakilala sa pangalang Granda Qin na ang kaniyang ginagamit niyang hammer o martilyo ay siyang magdadala pala sa kaniya sa panganib?

Lumalabas kasi na ang napulot nitong kakaibang metal na may hawakang kahoy sa kaniyang farm ay ginawa niyang improvised hammer at iniuwi pa sa kanyang bahay.

--Ads--

At mula raw noon, ginamit na ng lola ang napulot na metal bilang pampukpok ng anumang matigas na bagay mula sa pagbibiyak ng mga nuts at pandikdik ng red pepper hanggang sa pagbabaon ng mga pako.

Hanggang sa noong nakaraang buwan lamang (hunyo), isang team ng mga kalalakihan na nag-aayos ng bahay ng lola ang nakapansin sa nakakalat na martilyo, at doon na nalaman na isa pala itong granada.

Agad naman itong inereport sa mga kapulisan at maingat na kinuha ang granada habang nakamasid sa kanila si lola.
Ang granada ay isang uri ng modelo ng Chinese Type 67 at 20 taon na itong ginagamit ni lola bilang martilyo.