Mga kabombo! Mahilig ka ba sa art?
Natry mo na bang magpa-tattoo? Ang tanong kanino?
Paano kung malaman mong may isa palang tattoo artist na 9-year-old?
Usap-usapan kasi ngayon sa tattoo artist na si Napat Mitmakorn, na mas kilala sa kanyang nickname na King.
Isa siya sa mahigit 200 artists na kalahok sa Tattoo Expo na ginanap nitong March 15-16, 2025, sa Thailand.
Nakuhanan ng international media si King habang naglalagay ng fanged serpent tattoo sa upper thigh ng kanyang uncle.
Kung saan, gamit nito ang mabigat na tattoo gun na halos hindi mahawakan ng maliliit niyang mga daliri, ngunit sa kabila nito, buong husay na tinapos ni King ang skin art.
Ayon kay King, pangarap daw talaga nito ang maging tattoo artist, at plano rin niyang magbukas ng sariling shop.
Ang ama naman ni King na si Nattawut Sangtong—mas kilala bilang Knight—ang nag-introduce ng skin art sa anak.
Ang 38-year-old dad ay isang amateur tattooist na natuto sa pamamagitan ng mga social media video tutorials.
Ayon kay Knight, nag-practice muna siya kung paano gumawa ng patterns gamit ang papel. Nag-ensayo naman siya kung paano maglagay ng ink sa artificial leather.
Nung confident na siya sa skill, saka siya nagsimulang maglagay ng tattoo sa mismong balat ng tao.
Ayon kay Knight, mabilis siyang natuto dahil may likas na talent siya sa art. Nagtatrabaho siya sa isang block-printing factory.
Paliwanag naman ni Knight, kung tatanggap na kasi si King ng public clients, kailangang sumailalim ito sa mahigpit na hygiene training. Ngunit sa ngayon, mas gusto rin niyang maging prayoridad ng anak ang kanyang edukasyon.