DAGUPAN CITY–Patay ang siyam na taong gulang na bata sa barangay Talang sa lungsod ng San Carlos matapos tuklawin ng ahas sa loob ng kanilang tinitirhang bahay.

Ayon sa ina ng biktima, excited nang mag-aral sa grade 4 sa susunod na pasukan ang anak niyang si Ria de la cruz kaya nagsukat siya ng uniform pero biglang sumulpot ang ahas at tinuklaw ang bitima sa binti.

Dinala pa sa ospital ang bitima pero pumanaw din ang bata.

--Ads--

Hindi matukoy ang uri ng ahas na tumuklaw sa bata dahil hindi pa ito nahuhuli.

Dahil dito, labis ang hinagpis ng kanyang mga magulang.

Paalala naman ng mga health autorities, mag-ingat dahil lubhang delikado ang matuklaw ng ahas.

Kung hindi agad maagapan, mabilis kumalat ang venom at puwedeng ikamatay ng taong nakagat nito.