DAGUPAN CITY– Nagnegatibo sa Covid-19 virus ang siyam na patients under investigation (PUI), kinabibilangan ng 7 fronliners at isang 64-anyos na babae na namatay sa nakalipas na limang araw dito sa lungsod ng Dagupan.

Base sa report mula sa Department of Health Center for Health Development Region 1, ang namatay na PUI na residente ng Barangay Mayombo, ay pumanaw noong April 4 sa Region I Medical Center (R1MC).

Agad naman itong nacremate kinabukasan alinsunod sa protocol ng Department of Health at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

--Ads--

Ang nasabing pasyente ay walang travel history at naconfined ito sa R1MC mula March 5 hanggang 14 matapos sumailalim sa surgery.

Sa walong PUIs, na nagnegatibo ay kinabibilangan ng pitung frontliners, ayon kay Dagupan City Covid-19 focal person Dr. Ophelia Rivera.