Nakauwi na sa bansa kahapon ang 9 na Overseas Filipino Workers (OFW) sa Lebanon.
Nakarating ang mga repatriates sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport. Nakatanggap naman ang bawat isa sa kanilan ng P75,000 mula sa Department of Migrant Workers(DMW) Aksyon Fund, P75,000 mula sa Overseas Workers Welfare Association (OWWA), P20,000 naman mula sa livelihood assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), at skills training vouchers mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Tiniyak naman ng DMW na mabibigyan ng sapat na suporta ang mga repatriates.
Samantala, may kabuoang bilang na 442 na mga OFW ang nagparepatriate na simula October 2023.
At nitong sabado, mayroon namang 571 na mga Pilipino ang nag-avail ng voluntary repatriation.
350 na mg Pilipino sa mga ito ang pinoproseso na ng Lebanese immigration ang kanilang repatriation at 178 ang kasalukuyang nananatili sa shelters ng Beirut.
Habang 221 na mga Pilipino naman ang nagbook ng kanilang ticket pauwi sa bansa sa pagitan kahapon, October 12 at October 28.