Siyam na katao ang nasawi at 25 naman ang sugatan sa magkakaugnay na insidente ng pamamaril sa isang paaralan at isang bahay sa kanlurang bahagi ng Canada, ayon sa pulisya.
Ayon sa mga awtoridad, pito sa mga biktima ang nasawi matapos barilin sa loob ng Tumbler Ridge Secondary School.
Dalawa pang bangkay ang natagpuan sa isang kalapit na tirahan.
Hindi pa inilalabas ng mga opisyal ang mga pangalan at edad ng mga biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at abiso sa kanilang mga pamilya.
Isang indibidwal na pinaniniwalaang responsable sa pamamaril ang natagpuang patay rin.
Batay sa paunang ulat, ang suspek ay nagtamo ng sugat na hinihinalang siya mismo ang may gawa.
Nagpahayag ng matinding kalungkutan ang Punong Ministro ng Canada na si Mark Carney kaugnay ng insidente.
Aniya, siya ay “lubhang nabigla at nalungkot” sa “nakapanlulumong pamamaril ngayong araw.”
Dahil dito, ipinagpaliban niya ang nakatakda sanang pagbisita sa Germany.
Hindi pa tinutukoy ng pulisya ang uri ng baril na ginamit sa pag-atake.
9Patuloy naman ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang motibo at iba pang detalye ng insidente.










