BOMBO RADYO DAGUPAN – Umabot na sa 9 bilang ang naitalang bomb threat sa lalawigan ng Pangasinan simula lamang nitong Pebrero.


Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCAPT. Renan Dela Cruz, Public Information Officer ng Pangasinan Provincial Police Office, nakakabahala ang pagkasunod sunod na naitatala sapagkat kabilang ang Pangasinan National High School, Mangaldan National High School, Pangasinan State Univerity, at ilang mga ahensya ng gobyero ang mga nakatanggap ng nasabing pananakot.


Agad naman aniyang nagsasagawa ang Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit ng masusing imbestigasyon ngunit lahat ng mga ito ay negatibong tinaniman ng bomba.

--Ads--


At sa tulong din ng Provincial Cybercrime Action Team, kasalukuyang inaalam na din ang pagkakakilanlan ng mga nagpapadala ng mga mensaheng naglalaman ng bomb threat o bomb joke.


Sinabi din ni PCAPT. Dela Cruz, sa ilalim ng Presidential Decree no. 1727 o ang “anti-bomb joke law” ay haharap sa hindi bababa at higit pa sa 6 na buwang pagkakakulong at higit sa P40,000 ang babayarang danyos ng mapapatunayang responsable sa pagpapadala ng mga bomb threat.


Samantala, nagpaalala din ito kapag nakatanggap ng ganitong mensahe ay huwag isawalang bahala at ipaalam muna ito agad sa may ari ng establishimento o ng lugar at sa mga kapulisan upang maiwasan ang kaguluhan. Pinakaimportante a niyang maiwasan ang pagpanic ng mga tao.
Iwasan din ang pagbu

kas ng ilaw kung ang nasabing bomba ay nasa madilim na lugar at huwag din gumawa ng ingay dahil may mga klase aniya ng pasabog na mayroong trigger mechanism sa pamamagitan ng ilaw, tunog, at maging mobile devices.