Dagupan City – Nasalanta ang nasa 9 na bayan sa lalawigan ng Pangasinan ng mga pesteng harabas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vida Cacal, Spokesperson ng Department of Agriculture Region I, ito ay kinabibilangan ng Bayambang, Urbiztondo, Malasiqui, San Quintin, Umingan, San Manuel, Villasis, Bautista at Alcala.

Kung saan, matapos umano ng report sa kanila, agad na beneripika ang mga sakahan katuwang ang mga validating team.

--Ads--

Dito na nakumpirma na nasa kabuuang 75.78 ektarya na pala ang naapektuhan ng mga harabas o onion army worm na pananim ng mga 88 magsasaka.

Bagama’t hindi pa ito mga tuluyang nasalanta, malaki naman na ang naging danyos nito dahil umabot na sa higit P4 Milyon na sa kabuuan ay nasa 5.7 metrikong tonelada.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pakikipag-koordina ng mga ito upang magbigay tulong at maagapan ang mga natitirang pananim at hindi na madamay pa ng pesteng harabas.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Cacal na sapat pa rin ang suplay ng sibuyas sa buong reihyon dahil ang Rehiyon uno ay nasa higit 100% sapat at sobrang produksyon para sa kaniyang ansasakupan.