BOMBO DAGUPAN – Ginahasa ng kanyang tiyuhin ang 9 anyos na batang babae sa lungsod ng San Carlos kung saan ito na ang pangatlong pagkakataon na nagawa ito ng suspek sa biktima.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLT. MC Kinley Mendoza Public Information Officer, San Carlos City PNP ay taong 2022 unang nangyari ang pangagahasa hanggang sa nasundan ito noong disyembre noong nakaraang taon at ang pangatlo at panghuli naman ay nito lamang enero taong kasalukuyan.

Ayon sa kanya ay tinakot daw umano ng suspek na susuntukin niya ang biktima kapag ito ay nagsumbong sa kaniyang mga magulang.

--Ads--

Kaugnay nito ay napag-alaman na broken hearted ang biktima sa kaniyang kasintahan dahilan upang magawa ang krimen. Nangyari nga ang panggagahasa habang papauwi ang biktima sa kanilang bahay kung saan ang suspek ay bigla naman itong hinila sa isang bakanteng lote at dinala sa isang abandonadong bahay na pagmamay-ari pa mismo ng kanilang lolo.

Samantala, nasa tamang wisyo naman ang suspek at sa isinagawa namang counseling sa biktima ay lumalabas na napakabuti nitong bata gayundin isang matalinong estudyante.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng San Carlos PS ang suspek at hinihintay na lamang ang petsa kung kailan magkakaroon ng pagdinig sa korte ukol sa kanyang kaso.