BOMBO DAGUPANHindi bababa sa 9 na katao ang nasawi habang higit 50 naman ang sugatan sa Northern Nuevo Leon State sa Mexico matapos bumagsak ang isang stage sa isinagawang election campaign rally.

Nangyari ang naturang insidente habang nagbibigay ng talumpati si centre-left presidential candidate Jorge Alvarez Maynez sa syudad ng San Pedro Garza Garcia, malapit sa Monterrey.

Ligtas at wala namang natamong sugat si Maynez sa insidente, at nakita pa itong nakikipag-usap sa mga tagasuporta. Ilan naman sa miyembro ng kaniyang grupo ay nasugatan.

--Ads--

Ayon sa social media post ni Maynez, ang biglaang malakas na paghangin ang naging sanhi ng insidente.