Pinagbabaril sa sariling bahay sa Kalibo, Aklan ang beteranong mamamahayag at ang longtime president ng Publishers Association of the Philippines Inc.(PAPI) na si Juan “Johnny” P. Dayang, kagabi.
Kinumpirma ng Aklan Police Provincial Office ang insidente sa pagkasawi ng 89 taon gulang na journalist.
Naganap ang pamamaril dakong Alas 8:15 kagabi habang nanonood umano ng telebisyon si Dayang sa loob ng kanilang bahay at pinasok ito ng isang hindi pa nakikilalang armadong lalaki.
Lumalabas sa initials reports na dalawang tama ng baril ang nakitaan sa beteranong mamamahayag.
Sinubukan pang itakbo si Dayang sa Rafael Tumbukon Provincial Hospital sa parehong lugar subalit, idineklara rin itong dead on arrival.
Nakikipagtulungan na rin si Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) Executive Director at Undersecretary Joe Torres sa mga lokal na awtoridad upang imbestigahan ito.