BOMBO DAGUPAN – Umaabot 88.9 percent ang pinsala sa palayan sa rehiyon uno bunsod ng nakalipas na sama ng panahon.

Ayon kay Vida Cacal, tagapagsalita ng Department of Agriculture Region 1, ang pinakamalaking
pinsala sa mga pananim dulot ng bagyong Julian na naitala ay sa bahagi ng Ilocos Norte na umabot sa P390.6 million.

Pinakamaraming nasira ay sa palay na naitala sa P292.1million.

--Ads--

Samantala, dito sa lalawigan ng Pangasinan ay nasa 154.98 na rice areas ang napaulat na naapektuan o katumbas ng halagang P3.5 million

Bilang tugon ay naglaan ang DA o Department of Agriculture ng P53.1 million na pondo para sa rehabilitation recovery para sa mga rice farmers.

Bibigyan din ng mga vegetable seeds at fertilizers ang mga farmers na natamaan ang vegetabale crops at sa livestock.

Sa kabuoang umaabot sa P67.8 milion na totak intervention na ipapajhami sa mga LGUs.