Nasa 87 katao ang inaalam pang nasawi o nawawala matapos ang pag-atake ng Israel sa Beit lahiya sa northern Gaza habang higit sa 40 naman ang sugatan.
Iniimbestigahan pa rin ng mga militar ng Israel ang insidente na siyang may pinakamalaking kaswalidad na naitala sa kumpara sa mga nakaraang pag-atake.
Sinabi naman ng Health Ministry sa Gaza na pinapahirapan naman ng mga problema sa komunikasyon ang isinasagawang rescue operations at pati na rin ang patuloy na operasyon ng Israeli Military.
Anila, natatabunan pa rin ng mga nasirang gusali ang mga biktima at hindi naman nila magawang matawagan ang mga grupo ng ambulansya at civil emergency.
Matatandaan na isinagawa ng Israel ang pag-atake upang unti-untiing ubusin na umano ang mga Hamas fighters.