Dagupan City – Umabot sa 8,687 pamilya sa Binmaley ang nakatakdang makinabang sa Family Food Packs (FFP) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasunod ng epekto ng bagyo, pagbaha at habagat sa bayan.

Kabilang sa mga benepisyaryong lugar ang Barangay Amancoro, Balagan, Calit, Camaley, Pallas, Papagueyan, Pototan, Sta. Rosa at Tombor, kung saan isinagawa ang distribusyon ng food packs bilang agarang suporta sa mga residenteng naapektuhan ng matinding pag-ulan at pagbaha.

Naging bahagi ng paghahatid ng ayuda ang koordinasyon ng DSWD at Local Government Unit of Binmaley upang matiyak na maayos na matanggap ng mga kwalipikadong pamilya ang kanilang food assistance.

--Ads--

Malaking tulong ang mga food packs sa mga pamilyang pansamantalang naapektuhan ang kabuhayan at nahirapang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan dahil sa kalamidad.

Inaasahang magpapatuloy ang relief operations sa mga susunod na araw upang maihatid ang kinakailangang tulong sa iba pang residenteng naapektuhan ng bagyo, pagbaha at habagat sa Binmaley.