DAGUPAN CITY– Pinaniniwalaan na pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay ng isang Geodetic Engineer sa bayan ng Bolinao.

Una rito ay nagpunta sa himpilan ang mga kaibigan ng biktima upang ipagbigay alam sa mga kinauukulan ang sinapit ng kanilang kasamahan na si Ciriaco Alcantara, 83 anyos na residente ng Sampaloc Manila.

Sa inisyal na imbistigasyon ay lumalabas na ang biktima at ang kanyang iba pang kaibigan ay lumalangoy sa dagat na may lalim na 3-4 na talampakan (feet).

--Ads--

Isa sa kasamahan ng biktima ang nakapansin na lumulutang na ang katawan ng enhinyero na naging dahilan upang humingi ito ng tulong.

Agad na nadala ang biktima sa pagamutan partikular na sa Rillera Medical Hospital na matatagpuan sa Brgy. Germinal para sana malapatan ng paunang lunas subalit hind na umabot pa ng buhay.

Samantala, nakatakda namang isagawa ang Post-mortem examination ang labi ng biktima .