Dagupan City – Umabot na sa 800 pamilya ang nanantiling apektado ang mga kabahayan sa barangay Caranglaan dala na rin ng tuloy-tuloy na pag-ulan na siyang sinabayan pa ng High Tide.
Ayon kay Gregorio Claveria Jr., Punong Barangay ng Caranglaan, nasa 15% na ang natalang apektado sa lugar.
Kagaya na lamang ng ilang mga sitio na malapit sa Creek o ilogan, dagdag pa ang on-going construction sa kanilang kakalsadahan na nasa 50% pa lamang ang natatapos.
Kaugnay nito, patuloy naman ang pamamahagi ng mga awtoridad ng Relief Goods sa mga apektadong bahagi.
Samantala, hinggil naman sa mga naitatalang kaso ng leptospirosis at dengue sa lugar, ay wala pa namang naitatala ngunit sa kabila nito ay patuloy pa rin ang kanilang pagpapaalala na ugaliing huwag lumusong sa tubig baha at ugaliing magsuot ng proteksyon para makaiwas sa mga sakit na dulot ng tubig baha.