Umaabot sa halos 800 na magsasaka sa bayan ng Mangaldan ang makikinabang sa irrigation canal matapos itong mapasinayaan ng National Irrigation Administration (NIA).
Ayon kay Geffrey Catulin, acting regional manager (NIA) Region 1, sa pamamagitan nito, maaaring mabenipisyuhan at magbibigay patubig sa nasa higit 600 na ektarya ng taniman .
Sinabi ni Catulin na malaking tulong ito lalo na sa mga high value na itinatanim.
--Ads--
Maiiwasan na rin na masayang ang patubig ng mga magsasaka dahil may pag-aagusang irrigation canal ang tubig.
Ang proyekto ay maaaring makatulong sa pagpapataas pa ng produksyon ng pagkain at maging kabuhayan ng mga magsasaka.