Nawalan ang halos 80% household sa Bermuda ng kuryente matapos ang pananalasa ng bagyong Ernesto.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ryan De Jesus, Bombo International News Correspondent ng Hamilton bagama’t maliit lamang ang bansang ito ay umabot pa rin 36 na oras ang pananalasa nito sa kanilang lugar.

Base sa kaniyang salaysay, gabi nila tuluyang naranasan ang hagupit nito at kung ikukumpara ang lakas nito ay kasing lakas ng bagyo sa bansang Pilipinas.

--Ads--

Nasa tinatayang 20 mga kabahayan naman ang napinsala, dahil dito kinaksela umano ang ilang mga flights sa kanila.
Wala naman umanong naitalang napinsala o sugatan na mga Pilipino sa lugar na sa kabuuan ansa 3,500 na.

Matatandaan na naging malupit ang hagupit ng Hurricane Ernesto sa Bermuda noong Sabado, Agosto 17, na nag-iwan ng malaking pinsala tulad ng malakas ba pagbaha, pagtumba ng mga puno, pagkawala ng kuryente, at pagtangay ng mga ari-arian.

Kung saan ay iniakyat na rin ito sa Category 1 na nagpakawala ng malakas na hangin at nagpabuga ng tubig-baha.