Dagsa ngayon ang tulong na natatanggap ng 80 anyos na lolo na inakusahang nagnakaw ng mangga sa bayan ng Asingan Pangasinan.
Ayon kay Police Major Napoleon Eleccion bagong hepe ng Asingan PNP nakakatanggap ng mga gamot ang naturang lolo at mga basic needs maging ng pera para sa kaniyang liberty bond mula sa ilang mga indibidwal at personalidad .
Tiniyak ng Asingan PNP na naibigay kay lolo ang kaniyang mga pangangailangan lalo sa pagkain. Ayon kay Eleccion sa pananatili ng naturang lolo sa PNP ay kinakain din nito ang kinakain ng mga pulis doon.
Ngayong araw din aniya nakatakdang pirmahan ng judge ang mga papeles para sa kaniyang temporaryong paglaya.
Nagpaliwanag naman ito na kaya natagalan na makalabas ang lolo ay dahil sa umiiral na alert level 3 status sa probinsiya.
Kanselado aniya ang transaksyon ng mga hukom pero sa kanilang pakikipag-ugnayan ay pipirmahan na ang kaniyang temporary libery ngayong araw.
Giit din nito na mali ang lumabas na mga headline na kaya nila ito kinulong agad ay dahil sa pagnanakaw ng mangga.
Nabatid na nag-iisa na lamang sa buhay ang naturang matanda at tinutulungan na lamang ng ilan nilang mga kaanak.