DAGUPAN CITY– Arestado ang 80 anyos na lolo matapos gahasain ang 5 taong gulang na bata sa lungsod ng San Carlos Pangasinan.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng bombo radyo, nadiskubre ng ina ng bata ang ginawang panggagahasa matapos marinig ang mga kalaro ng anak na pinagkukuwentuhan ang nakitang panghahalay.

Nang kausapin ang anak ay umiyak na lang ito at ikinuwento ang pangyayari.

--Ads--

Pagkatapos umanong gahasain ang bata ay binigyan pa raw siya ng limang piso ng suspek.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang kalaro na apo ng suspek at sa mismong bahay pa nito ginawa ang panghahalay sa biktima.

Sa medical certificates lumalabas na may laceration sa maselang parte ng bata.

Mariin namang pinabulaanan ng suspek na nakilalang si Aurelio Resuello na ginahasa nito ang bata, aksidente lang daw nahipo ang maselang bahagi ng katawan ng bata habang naglalaro sila ng jackstone.

Sa ngayon ay nasampahan na ng kasong rape ang suspek.