Mga kabombo! mistulang dream come true ang naging experience ng isang babaeng nangangarap makasali sa isang beauty pageant.

Paano ba naman kasi, kakaiba ang ipinakitang determinasyon ng 80-anyos na lola sa South Korea.
Hindi lang din basta-basta ang beauty pageant na kaniyang nasalihan sa kaniyang edad, kundi- isang Miss Universe South Korea 2024.

Ayon sa ulat, itinuturing ngayon si Choi Soon-hwa bilang pinakamatandang aspiring Miss Universe candidate.
Record breaking talaga, dahil nitong lamang nakalipas na taon, tinanggal na ng Miss Universe Organization ang mga restrictions, tulad ng edad, marital status, at kung may anak man o wala ang kandidata.

--Ads--

Ayon sa ulat, noong una umano ay kinuwestiyon pa ng kaniyang pamilya ang plano niya, pero kalaunan ay sinuportahan siya.
Dahil ayon sa kandidata, isinantabi nito ang kanyang pangarap noon para sa pamilya.

Marahil ay lamang ang mga katunggali ni Choi pagdating sa youthful looks, pero lamang si Choi pagdating sa kanyang mga karanasan sa buhay.

Lumalabas din kasi na isinilang si Choi noong panahon ng World War II at survivor siya ng Korean War. At bukod naman sa pagiging isang ina at lola, isa itong professional model.