Nakatakdang tumestigo ang walong witness sa bail hearing ni Senador Rodante Marcoleta sa kasong plunder kaugnay ng umano’y hindi pagdedeklara ng P75 milyong campaign donations noong 2025 elections.

Ito ay matapos tanungin ni Associate Justice Karl Miranda, Third Division chairperson, ang prosekusyon kung ilang testigo ang kanilang iprepresenta sa bail hearing sa Setyembre 3.

Inisyal na sinabi ng prosecutors na target nilang ipresenta ang lahat ng 12 testigo na nakalista para sa kanilang trial proper sa bail hearing.

--Ads--

Sa huli, binawasan ng prosecutors ang bilang ng kanilang testigo sa walo matapos pumayag ang kampo ni Marcoleta na mag-stipulate na public official na noon ang senador nang matanggap ang campaign donations.

Target naman na isagawa ang huling araw ng bail hearing kay Marcoleta at tatlo pa sa kaniyang kapwa akusado sa Oktubre 1.