Nasawi ang hindi bababa sa walo katao dulot ng dalang malakas na ulan ng shear line sa Davao Regin, ayon sa Office of Civil Defense (OCD)
Sa isang panayam sinabi ni OCD Region XI Director Ednar Dayanghirang na apat sa mga nasawi ay mula sa Davao de Oro, habang ang iba pa ay naitala sa Davao Oriental. Kung saan lahat umano ng namatay ay dahil sa pagguho ng lupa kasunod ng matinding pag-ulan.
Kaugnay nito, may tinatayang halos 20,000 na pamilya ang naapektuhan ng masamang panahon sa Davao de Oro pa lamang at Umabot naman sa P376 milyon ang pinsala sa agrikultura sa lalawigan.
Binigyang-diin ni Dayanghirang ang pangangailangang ayusin ang drainage system sa mga pangunahing kalsada upang maiwasan ang pagbaha. Aniya, ang mga drainage sa national road ay hindi maganda, hindi kumpleto kung kaya’t walang maayos na daluyan ang rumaragasang tubig mula sa kabundukan.










