Dagupan City – Nasa 8 pasyente na ang nasawi sa Gaza, dahil sa kakulangan ng suplay pang-medikal sa mga hospital.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Shay Kabayan, Bombo International News Correspondent sa Israel bagama’t hindi na tulad ng dati na kaliwa’t kanan o minu-minuto ay nakakarinig sila ng mga putukan at pasabog, ngunit ngayon ay smunod na problema naman ng mga residente rito ay ang kanilang kalusugan.
Sa katunayan aniya, nasa 200 katao na rin ang mga nakapila sa mga hospital roon upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga ito na tulong pang-medikal.
Kaugnay nito, bukod sa kakulangan sa hospital, gamot at mga kinakailangan, binigyang diin din ni Kabayan nanagkukulang na rin ang suplay na pagkain para sa mga residenteng apektado sa Gaza.
Samantala, nitong nakaraang linggo lamang ay nakapagtala na ng 25 Pilipino na piniling umuwi na lamang sa bansang Pilipinas.