Nakauwi na sa lungsod ng San Carlos, ang walong Pangasinense na na-estranded sa border ng bayan ng Rosales, sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Matapos ang mahigpit na pag-aaral at koordinasyon na ginawa ng PNP Provincial Office, Provincial Health Office, PDRRMO, Rosales MDRRMO at ng Lokal na Pamahalaan ng Ciudad ng San Carlos, napaalis na sa border ng Rosales at naiuwi ang walo sa San Carlos, matapos na manatili sa border n 20 araw bunsod ng paghihigpit sa pagpasok ng mga tao mula sa labas ng Probinsya bilang paglaban sa pagkalat ng nakamamatay na sakit na COVID-19.

Matatandaang mahigpit na ipinagbabawal ang pag-biyahe pauwi ng probinsya ng Pangasinan habang wala pang abiso ang Probinsya at ang IATF.

--Ads--

Bago nakauwi sa kanilang lungsod, sumailalim muna sa swab testing ang lahat ng naka-tapos na 14-Day Quarantine sa Border. na isinagawa ng Provincial Health Office.

Habang inaantay ang resulta ng kanilang tests ay sila ngayon ay hindi pa pwede umuwi sa kanilang mga tahanan. Bagkos, alinsunod sa protocol ay sila ngayon ay nasa Temporary Quarantine Facility na inaprubahan ng ating Ciudad.

Tiniyak naman ng LGU San Carlos na sila ay bibigyan ng pagkain, tubig at iba pang mga basic needs sa loob ng 14 na araw o pag lumabas na ang resulta ng kanilang testing.

Mayroon ding magbabantay na personnel ng PNP at POSO sa lugar na ito upang makasiguro na tutuparin nila ang kanilang quarantine procedure at hindi po sila papayagang makalabas.

Sila rin ay araw araw pupuntahan ng mga representante ng City Health Office at ng Department of Health upang mamonitor ang kanilang kalusugan.

Sa ngayon, sila ay nasa mabuting kalagayan, mabuting kalusugan at walang nararamdamang anumang simptomas ng sakit.
Magsasagawa din ng regular routinary disinfection the quarantine area at sa kalapit na mga pasilidad.

Nabatid na may isa pang nasa border, ngunit inaantay nalang na siya ay dumaan sa parehas na protocol na pinagdaanan ng naunang walong (8) nakaalis.

Sa huli, binigyang diin ng LGU San Carlos na hindi ibig sabihin nito na pinahihintulutan ang paguwi sa Probinsya ng Pangasinan. Ang sinumang lalabag pa sa ECQ protocols ay maaaring humarap sa patong patong na mga kaso at pagkakakulong.