DAGUPAN CITY-Nasawi ang 8 katao, mayroong 9 na sugatan at 101 ang patuloy na nawawala dahil sa naramdamang 7.7 na lindol sa bansang Thailand na nag-umpisa sa Myanmar at naramdaman rin sa bahagi ng China.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lyza Gumatay, Bombo International News Correspondent mula sa Thailand, iniulat na malakas ang naramdamang lindol sa ilang bahagi ng bansa.
Aniya, nagkaroon ng 26 na aftershocks, at binuksan rin ang gobyerno ang mga public parks dahil may mga sheds at toilets ito para sa mga hindi makabalik sa kanilang mga tahanan.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 8 na nasawi, at 9 ang sugatan. Wala namang naitalang Pilipinong nasaktan, ngunit may ilang mga Thai na nasawi.
Ito ang unang pagkakataon na nakaranas ng lindol sa Bangkok, Thailand, kaya’t marami ang nagulat at hindi alam kung ano ang gagawin, lalo na’t wala naman faultline ang nasabing lugar.
Dahil sa nangyari ay baka magkaroon na rin ng earthqkare drills ang mga paaralan sa nasabing bansa upang masiguro ang kahandaan sa mga susunod na pagkakataon.