Namataan ang 8 maritime militia ships ng China sa Escoda Shoal matapos magpadala ng barko ang Pilipinas sa West Philippine Sea bilang kapalit ng BRP Teresa Magbanua.
Ayon kay ret. US Air Force Col. Ray Powell, direktor ng SeaLight, namataan nila ito na dineploy sa Panganiban Reef patungong Escoda Shoal kahapon ng hapon.
Nangyari umano ito matapos ipinahayag ni National Maritime Council (NMC) spokesman Undersecretary Alexander Lopez ang pagpapadala ng Philippine Coast Guard Ship bilang kapalit ng BRP Teresa Mabanua.
Hindi naman sinabi ni Lopez kung saan ang eksaktong lugar ng vessel sa West Philippine Sea bilang parte ng “operation adjustment.”
Aniya, natututo na umano ang gobyerno sa panghaharass ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa Escoda Shoal.
Saad pa niya na parang magnet ang China dahil sa paglapit nito sa mga barko ng Pilipinas sa tuwing nalalaman nila.