Dagupan City – Inihayag ng Pangasinan Police Provincial Office ang pananatili sa pagiging yellow category ng lalawigan, nangangahulugan na walang nag-upgrade at hindi nadagdagan ang mga bayan o lungsod na nasa ilalim ng ‘areas of concern’ sa pagpapatuloy ng kampanya para sa halalan.
Nananatili naman sa 8 ang naideklara ng Commision on Election bilang areas of concern dito sa lalawigan na kinabibilangan ng mga bayan ng Aguilar, Binmaley, Malasiqui, Mangaldan, Sual, San Quintin, at ang mga lungsod ng Urdaneta at Dagupan.
Pinagbatayan dito ng ahensya ang pagkakaroon noong nakaraang halalan ng mga kasaysayan ng intense political rivalries.
Ipinaliwanag naman dito ang apat na color-coding na pinagbabatayan ng COMELEC sa mga lugar sa panahon ng halalan gaya ng Green, nangangahulugan na walang gaanong problema sa pulitika, Yellow – may kasaysayan ng mga tunggalian at kaguluhan sa pulitika, Orange – may malubhang banta ng karahasan mula sa mga armadong grupo, habang sa Red may pinagsamang malubhang banta ng karahasan mula sa mga armadong grupo at mga pangyayaring may kaugnayan sa halalan at maari din itong isailalim Comelec Control.
Ayon kay Pcol. Rollyfer Capoquian – Provincial Director ng opisina, mahigpit nilang minomonitor ang mga bayan at lungsod na ito para hindi magkaroon ng malalang sitwasyon.
Bilang tugon sa patuloy na pagtutok sa mga nasabing lugar ay magdaragdag pa sila ng mga police force na siyang babantay sa lahat ng mga aktibidad dito lalo na ang mga nagaganap na kampanya kaya mas pinaigting pa ang police visibility at Comelec Checkpoint sa kanilang mga areas of responsibility.
Samantala, inaksyonan naman agad ni Pcol. Capoquian ang nakarating sa kanyang pag-init ng tensyon sa politika sa bayan ng San Quintin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng diyalogo sa bawat kandidato kasama ang ilang kawani ng DILG, COMELEC at iba pa.
May mga nakakarating kasi aniya itong sumbong sa kaniya na nagiging sangkot ay politika o mga tumatakbong kandidato.
Nakikita nitong naging dahilan ng pag-init ng usaping politika sa lugar ay mga disinformation na naipapakalat ng ilang supporters ng bawat panig na nakakarating sa kanilang leaders na nagkakaroon ng batohan ng argumento.