Nananatiling nasa 8 lugar ang areas of concern dito sa lalawigan kaugnay sa nalalapit na eleksyon ngayong taon.

Sa kanyang pahayag sa Sangguniang Panlalawigan, sinabi ni Atty. Ericson Oganiza, Provincial Election Supervisor ng COMELEC Pangasinan, hindi naman ikinokonsidera na hotspots o areas of immediate concerns ang mga ito na kinabibilangan ng dalawang ciudad at anim na bayan kabilang na ang Dagupan City, Urdaneta City, bayan ng san Quintin, Aguilar, Binmaley, malasiqui, Mangaldan at ang bayan ng Sual.

Mayroong classifications of election areas of concern na kung saan nahahati sa apat na kategorya green, yellow, orange at red.

--Ads--

Ang pagsasailalim sa areas of concerns ay nakabase sa mga nakalipas na election na kung saan ay may mga naitalang political rivalries.

Samantala, nagsimula nang sanayin ang mga election personnel na siyang magsasanay din sa mga electoral o poll workers sa operasyon ng automated counting machine.

Sinabi ni Oganiza na sumailalim ang mga ito sa 4 day training sa Vigan, Ilocos Sur.

Habang sa Feb 17 ay isasagawa naman ang training ng automated counting machine technician sa bayan ng Calasiao at sa darating na Marso 3- 20 ay itinakda ang training ng mga member ng electoral board o mga guro na magtratrabaho sa darating na halalan.