Dagupan City – Bilang bahagi ng selebrasyon ng Bayambang Pista’y Baley 2025, ginanap ang 7th Matalunggaring Awards sa bayan ng Bayambang.
Nagbigay pugay ito sa mga natatanging Bayambangueño na nagpakita ng kahusayan at malasakit sa kanilang mga larangan.
Sa prestihiyosong seremonya, anim na indibidwal mula sa iba’t ibang sektor ang kinilala para sa kanilang mga kontribusyon.
Kabilang sa mga pinarangalan ay mga eksperto sa teknolohiya at pamamahala, medisina, pananalapi at pagbabangko, serbisyong pangkalusugan, isports, at espirituwal na paglilingkod.
Ang mga awardee ay nakatanggap ng isang tropeo bilang simbolo ng kanilang malasakit at kontribusyon sa bayan.
Binigyang-diin ng alakalde ng bayan ang kahalagahan ng awards na ito bilang pagpapakita ng dedikasyon at serbisyo ng mga Bayambangueño sa kanilang komunidad.
Dumalo sa seremonya ang mga lokal na opisyal at mga pamilya ng mga pinarangalan, na nagbigay ng suporta at pagbati.
Pinangunahan ni Joel Camacho, ang Chairman ng Matalunggaring Awards Committee, ang programa.