DAGUPAN CITY – Naaresto ang isang 26-anyos na lalaki sa lungsod ng Urdaneta matapos mahulihan ng nasa 75 grams ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation ng kapulisan.
Nangyari ito sa Barangay San Vincente West kung saan kinilala ang akusado bilang si Alyas “Aki” na residente sa nasabing lugar.
Nagsanib pwersa ang Urdaneta City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang maisagawa ng maayos ang operasyon.
Nakumpiska sa suspek nasabing droga na na may tinatayang halaga na P510,000, kasama ang iba pang mga kagamitan tulad ng motorsiklo, cellphone, at pera.
Kaugnay nito, itinuturing naman ang nahuli bilang isang high-value target dahil sa kanyang umano’y pagkakadawit sa iligal na droga.
Dahil sa pagkakahuli dito, mahaharap si Aki sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang kasalukuyan siyang nakakulong sa PDEA Pangasinan jail facility.
Samantala, pinuri ng PDEA ang matagumpay na operasyon at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa paglaban sa iligal na droga.