DAGUPAN CITY–Nahaharap ngayon sa patong patong na kaso ang isang 54 anyos na lalaki matapos mapatay sa pananaga ang isang 74 anyos na lolo sa bayan ng Sison.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, nakatambay lamang umano sa labas ng kanilang tahanan ang biktima na si Rogelio Estal nang pagtatagain ng suspek na si Danilo Barceta, 54 anyos.

Posible umanong napagtripan lamang ng suspek ang biktima na lango sa alak nang maganap ang insedente.

--Ads--

Sa katunayan bago ang pananaga, ay nauna na umano itong nagwala sa kanilang barangay kung saan sinugod nito ang ilang bahay .

Sinunog pa nito ang kwarto ng isang bahay doon kung saan natupok ang ilang kagamitan.

Tinangka rin nitong pagtatagain ang ilang nakakasalubong na residente at hinagisan pa ng itak ang rumespunding pulis.

Sa ngayon ay nahaharap ang suspek sa patong patong na kaso na isinampa na sa korte.