DAGUPAN, CITY – Inaresto ng mga rumespondeng opisyal ng San Fabian PNP ang suspek na kinilalang si Teofilo Padilla y Idos, 74-anyos, kasal, isang vendor, at residente ng Brgy. Longos Central, San Fabian, Pangasinan sa nangyaring pagpatay nito sa biktima na kinilalang si Gelmar Rebosa y Barcelon, 24-anyos, single, isang construction worker, at residente ng parehong barangay.
Ayon kay PLt. Col. Michael S. Datuin, OIC ng San Fabian Police Station, lumalabas sa kanilang inisyal na imbestigasyon, at base na rin sa salaysay ng mga witness na sina Jing Felix y Tandingas, 25-anyos, at live-in partner nitong si Julius Juguilon y Molina na residente ng nasabing lugar, na lango umano sa alak ang biktima kung saan ay nakaalitan nito ang suspek at stepfather nito na si Padilla sa kanilang bahay na humantong naman sa karumal-dumal na krimen. Kung saan nang tangkain umanong bugbugin ng biktima ang suspek, ay nanlaban ito sa pamamagitan ng panghahampas sa biktima gamit ang isang steel pipe sa kanyang ulo, dahilan upang mawalan ito ng malay.
Naisugod pa sa Region 1 Medical Center, Annex Dagupan City ang biktima subalit dineklara itong Dead on Arrival. Lumalabas pa sa isinagawang imbestigasyon ng kapulisan na ang naging motibo ng dalawang panig ay dahil sa personal old grudge.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng San Fabian Police Station ang suspek at ang narekober na armas, at haharap naman ito ng karampatang parusang may kaugnayan sa Homicide.