DAGUPAN CITY– Wala ng buhay nang matagpuan ang katawan ng isang retiradong guro sa loob ng kanyang tahanan sa bayan ng Lingayen partikular na sa bahagi ng Brgy. Libsong East.

Ang 73 anyos na lola ay huli umanong nakita ng kanyang mga kapitbahay nang ito ay lumabas upang bumili ng noodles sa katabing tindahan dahil ito ay mayroong sakit.

Makalipas ang ilang araw ay tumawag umano ang anak nito na nagtatrabaho sa ibang bansa sakanilang kaibigan upang bisitahin ang kanyang nanay subalit tumambad dito ang masangsang na amoy mula sa loob.

--Ads--

Agad na lumabas ang kanilang kaibigan at humingi ng tulong sa mga opisyal ng kanilang barangay.

Nang dumating ang mga pulis ay tumambad sakanila ang katawan ng Lola na noon ay nasa kanilang sala at nasa state of decomposition na.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis ay lumalabas na wala silang nakikitang pwersahang pagpasok sa tahanan at maging ang kanilang mga gamit sa bahay at appliances ay hindi naman nagalaw.

Agad na dinala sa punerarya ang bangkay nito para malaman ang dahilan ng kanyang naging kamatayan.