Dagupan City – Nakumpiska ang 71st Infantry “Kaibigan” Battalion, nakumpiska ng Communist Terrorist Group (CTG) war materials sa Sitio Cabalitian, Brgy. Santa Maria, San Nicolas, Pangasinan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ltcol. Benny Singca Infantry General Staff College (Gsc) Philippine Army – Battalion Commander ng 71st Infantry “Kaibigan”, naisagawa ito sa pakikipagtulungan ng Mobile community effort at ang ikinasang sustainment program.
Kung saan, na-identify umano ang mga community based na nasa liblib na lugar na siyang pinagtataguan ng mga kaliwang grupo.
Sa tulong na rin ng dating miyembro ng Kilusan, natunton umano ang mga pinagtataguan ng mga war materials gaya na lamang ng: 3 rifle grenades, 55 rounds of 5.56mm ammunition, 2 long magazines for M16 rifles, 1 unit generator set, and several personal belongings.
Aniya, dahil sa tagumpay na ito, indikasyon lamang aniya na unti-unti na ring natatapos ang kaguluhan at nangingibabaw na rin ang kapayapaan.
Sa kabila nito, patuloy naman ang ginagawang enhancement sa mga kasundaluhan para sa pagpapabuti at kapabilidad ng mga ito.
Samantala, umabot naman na sa 11 Peoples organization ang naitatag sa lalawigan na kinabibilangan ng Aguilar, Bugallon, Natividad, San Nicolas, Dagupan City, San Carlos City, Mangatarem at iba pa.
Kaugnay nito, 3 naman na sa Mangatarem ang nabigyan na ng livelihood program habang nakatakda na ring makatanggap ang iba pa.
Muli namang binigyang diin ni Singca na hindi lang nakatutok sa paglutas sa armadong grupo ang kanilang ahensya, kundi tinututukan din nila ang mga kabataan, anti-drug operation, fire prevention, teenage pregnancy, at iba pa.
Sa kasalukuyan, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan nila sa Commission on Election (Comelec) at makatitiyak umano ang mga ito na buo ang suporta nila sa serbisyong kinakailangan.