Dagupan City – Inilatag ng 71st Infantry (Kaibigan) Battalion ang mga aktibidad at proyekto ng mga ito sa bansa.

Ayon kay 1Lt Mae Pearl Agustin – (Ags) PA, 71ib Civil-Military Office Officer, naktuon sa ngayon ang mga ito sa 3 aktibidad gaya na lamang ng Security Operations (ISO) at iba pa.

Tiniyak naman nito na nanatiling stable at insurgency free ang Tarlac at Pangasinan na kanilang nasasakupan.

--Ads--

Hinggil naman sa namuong ideya naman na sa kabataan na kapag may nakikitang militar ay mayroong giyera, nilinaw ni Agustin na kapag nakikita sila sa mga pampublikong lugar, nangangahulugan lamang ito na hindi lamang sila pang-giyera kundi isa rin sila sa mga mga tumutulong sa pagppapanatili ng seguridad ng publiko lalo na sa tuwing may sakuna.

Sa kabilang dako, nagsasagwa rin ang mga ito ng Campus Peace Symposium upang bigyang gabay ang mga kabataan na maging tagapagtaguyod ng kapayapaan at masigurado ang kanilang ligtas at magandang kinabukasan.

Dagdag pa ang pagsasagawa ng Livelihood programs upang malinang ang kanilang galing sa mga nakalinyang aktibidad at lokal na proudksyon nito.