Dagupan City – Ibinahagi ng 71st Infantry (Kaibigan) Batallion ng Philippine Army ang mga hakbang sa mas malakas na seguridad at katahimikan sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay LtCol. Benny C. Singca, Batallion Commander ng 71st Infantry ng Philippine Army na naka base sa bayan ng Mangatarem, Pangasinan, bagamat maituturing na insurgency-free ang lalawigan ay kinakailangan pa rin ng konkreto at tuloy-tuloy na hakbang upang masiguro ang pagpapanatili ng kapayapaan. Dagdag pa rito isa rin sa kanilang binabantayan ay ang bahagi ng Tarlac at Zambales.
Layuning nito na makamit ang mas malakas na seguridad at katahimikan sa lalawigan at sa buong nasasakupan at magdadagdag din ito ng pwersa sa Caraballo Mountain para matiyak ang walang sightings ng makakaliwang grupo.
Matatandaan na ipinatawag ang batallion commander ng 71st Infantry Kaibigan sa regular season ng Sangguniang Panlalawigan kamakailan para sa security assessment sa probinsiya.