Pinaghahanda ang publiko ng DOST PAG -ASA Dagupan sa lakas na dala ng bagyong Emong.
Sa panayam ng bombo Radyo Dagupan kay Gener Quitlong – Weather Forecaster, ng PAGASA Dagupan, sinabi niya na inaasahang mararamdaman ang malakas na epekto ng bagyo mamayang hapon o gabi dahil ang sentro nito ay nasa La union malapit lamang sa lalawigan ng Pangasinan.
Ani Quitlong , ang pag ulan at malakas na hangin ay patuloy na mararanasan sa Ilocos Region at dahil tatama ang bagyong Emong sa La Union at malapit lamang ang lalawigan ng Pangasinan ay mararanasan dito ang mga malakas na ulan kung kayat pinag iingat ang publiko.
Samantala, binigyang linaw ni Quitlong na hindi magsasanib ang dalawang bagyong Emong at Dante dahil habang papalapit ang isa ay magtutulakan sila.
Hindi umano makakilos si Emong dahil may nakaharang at hihintayin na makalabas muna si Dante.
Kaninang umaga ay itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Tropical cyclone Wind signal number 3 ang ilang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan at La Union dahil sa bagyong Emong.
Kahapon ay inanunsyo ni Pangasinan Governor Ramon “Monmon” Guico III ang dalawang araw na suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan, gayundin ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa buong lalawigan.