DAGUPAN CITY – Arestado ang isang 70 taong gulang na lolo sa na residente ng Brgy. San Geronimo, sa bayan ng Bagabag, sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, sa kasong Statutory Rape na nangyari taong 2010 pa.

Lumapit ang biktima na resisdente naman sa bayan ng Calasiao sa Calasiao MPS upang sampahan ng kaso ang suspek.

Dahil dito ay agad naman nagkasa ng joint operation ang Bagabag MPS at ng Calasiao MPS.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCapt. Anthony M. Doctolero – Deputy COP ng Calasiao MPS, umabot umano sa 14 taon bago inilapit ng biktima sa himpilan ang nagyaring rape dahil buong akala ng pamilya niya ay patay na ang suspek.

Ayon sa biktima, 6 na taong gulang pa lamang siya nang mangyari ang panghahalay sa kanya ng itinuturing niyang tiyuhin.

Dahil sa salaysay ng biktima at sa lakas ng ebidensiya, naaresto ang suspek na itinuring ding Rank No. 2 Municipal Level Wanted Person.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Bagabag MPS ang suspek.

Samanatala, nilinaw naman ni PCapt. Doctolero, na ang mga ganitong klaseng kaso kagaya na lamang ng ilang taon na ang nakalipas bago ito ilapit sa himpilan, maaari pa rin nilang sampahan ng kaso at arestuhin ang suspek hanggat hindi pa lumalagpas sa 20 taon bago nangyari ang panghahalay.

Nanawagan naman siya sa kanilang nasasakupan na kung may iba pa na kagaya ng ganitong sitwasyon ay huwag nang mag-atubili na ilapi ito sa himpilan at ito’y gagawan nila kaagad ng aksyon.