Nakapagtala ng 70 panibagong kaso ng covid 19 ang lungsod ng Dagupan sa loob lamang ng isang araw kahapon.

Dahil dito pumalo na sa 637 ang aktibong kaso ng Covid 19.

Dalawa naman ang naiatalang bagong nasawi sa sakit kung saan nasa 127 na ang kabuuang namatay sa siyudad dahil sa naturang virus.

--Ads--

Nakapagtala naman ng 20 bagong recoveries habang kabuuang 2, 399 ang nakarekober sa sakit.

Nauna rito nananawagan sa publiko si Dagupan city mayor Marc Brian Lim na ipagptuloy ang pagsunod sa mga public health protocols.

Ginawa ni Lim ang panawagan kaugnay sa pagsasailalim sa lungsod sa General Community quarantine o GCQ simula September 8 hanggang sa Setyembre 30 alinsunod sa desisyon ng national IATF para mapababa ang pagkalat ng covid 19 dito sa lungsod.

Ayon kay Lim, may mga bagong patakaran na kailangang sundin lalo na ang pagsuot ng facemask at faceshield sa tuwing lalabas ng bahay, mahigpit na ipinagbabawal ang lahat ng uri ng mass gatherings.

Mananatili namang bukas ang mga religious establishments pero 50 percent ang sitting capacity lamang ang okupado sa venue.

Ang mga business establishment at restaurant pero hanggang 30 percent na capcity lamang.

Habang ang mga hotel ay maaaring mag operate basta mayroon silang permit mula sa Department of Tourism.

Samantala, tiniyak ng alkalde na sapat ang quarantine facilities sa lungsod.

Lalong lalo na nagbukas na ang East Central quarantine facility kung saan maaring gamitin ng mga pasyente habang naghihintay ng espasyo sa mga hospital.

Mayroon naman aniyang mga oxygen support, suero at ibat ibang medisina na maaaring gamitin habang naghihintay ng hospital bed.