BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang isang 70 anyos na lolo matapos mabangga sa likuran ng isang mixer truck at mapunta din sa likuran ng isa pang truck ang sinasakyan nitong tricycle sa bayan ng Villasis.

Ayon kay PCAPT. Sherwin Sinang DCOP, Villasis PNP sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakanya ay bandang ala una nang mangyari ang aksidente kung saan magkasunod ang dalawang mixer truck habang binabaybay ang national highway sa Brgy.Bacag sa nasabing bayan.

Aniya ang tricycle na sinasakyan ng biktima na nasa outerlane ay pumasok sa inner lane sa pagitan ng dalawang mixer truck kung saan hindi napansin ng truck driver na papasok sa inner lane ang tricycle. Nabunggo ang tricycle sa likuran at dahil sa lakas ng impact ay napunta din sa likuran ng isa pang mixer truck na nasa harapan nito. Naipit nga ang tricycle dahilan ng pagkasawi ng sakay nito.

--Ads--

Kinilala ang driver ng tricycle na si Nilo Ortaliza Soriano, 45 years old, may asawa, driver, residente ng Ilog Malino, Bolinao, Pangasinan, kasama ang kanyang pasaherong si Alejandro Moral Soriano, 70 years old, may asawa , walang trabaho, at residente ng Narvacan Guimba, Nueva Ecija; samantala ang Isuzu Mixer Truck ay minamaneho ni Riggie Salitillan Garrido, 35 anyos, may asawa, driver at residente ng Brgy. Bobonan Pozzorubio, Pangasinan at ang isa pang Isuzu Mixer Truck naman ay minamaneho ni Ricky Vidad Betanio, 38 taong gulang, may asawa, driver at residente ng Brgy. San Juan De Mata Tarlac City.

Nagnegatibo nga sa alcoholic drink at ipinagbabawal na gamot ang mga sangkot sa insidente ngunit ani Sinang na may pananagutan parin ang mixer driver na si Ricky kahit sabihin na blind spot ang pinangyarihan ng insidente dapat aniya ay nandoon parin ang safety sa pagmamaneho.

Sa kasalukuyan ay na-ifile na nga ang kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property laban sa driver ng truck at may kaukulang piyensa na P60,000.

Kaugnay naman nito ay wala naman daw pagtaas ng mga kaso ng aksidente sa kakalsadahan sa kanilang bayan ngunit mayroon paring nangyayaring insidenteng ganito lalo na sa national highway na siyang itinuturing na accident prone area.