DAGUPAN CITY–Umaabot sa 17 kagat ang tinamo ng isang pitong taong gulang na batang lalaki matapos itong lapain ng mga aso sa bayan ng Mangatarem Pangasinan.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Dagupan, habang naglilinis ang biktima kasama ng iba pa nitong kaanak sa ilalim ng puno ng mangga nang bigla nalamang itong atakehin ng nasa limang mga aso.

Agad na dinala sa pagamutan ang biktima kung saan natukoy ng mga doktor na umaabot sa 17 na kagat ang tinamo nito.

--Ads--

Matapos lapatan ng paunang lunas ay binigyan na rin ng anti rabbies at anti tetanu vaccine ang biktima.

Bukod sa biktima, pinapa-obserbahan din ang mga aso na nakakagat sa kaniya.