Umabot sa pito ang kumpirmadong nasawi habang siyam pa ang patuloy na hinahanap matapos sumiklab ang isang malakas na pagsabog at matinding sunog sa Amur Gas Chemical Complex sa rehiyon ng Russian Far East.
Ayon sa mga paunang ulat, nangyari ang insidente habang isinasagawa ang startup operations sa naturang malaking pasilidad.
Naitala rin ang mahigit 150 manggagawa na nagtamo ng iba’t ibang antas ng sugat at pinsala sa katawan bunsod ng insidente.
Ang Amur Gas Chemical Complex ay isang malaking joint petrochemical project sa pagitan ng Russia at Tsina na kasalukuyang itinutayo sa nasabing rehiyon upang palakasin ang produksyon ng kemikal at enerhiya.
Kasalukuyan nang nagpapatuloy ang malawakang search and rescue operations ng mga awtoridad sa lugar upang mahanap ang mga nawawalang manggagawa, habang naglunsad na rin ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang mismong pinagmulan at sanhi ng pagsabog.










