Pitung katao na umanoy membro ng Akyat bahay syndicate na kinabibilangan ng tatlong menor na edad ang naaresto ng mga elemento ng Sual Police station dito sa probinsya ng Pangasinan.
Kinilala ang mga naaresto na sina Dane Ver, 19 anyos, high school graduate , Earl John Tactaquin, 19 anyos, grade 12 student, Den Mar Pendog, 18 anyos 1st year college, Nazareno Calpatura, 17 anyos, Dexter Romero, 17 anyos, Justine Tactaquin, 16 anyos at pawang residente ng sitio Mayaman, barangay Poblacion, Sual.
Ang pagkakaaresto sa mga ito ay kasunod ng reklamo ng isang Michael Santos, matapos pasukin ang kanyang opisina at tinangay ang vault na naglalaman ng humigit kumulang P2 million.
Lumalabas pa sa imbestigasyon na isa mga naarestong suspek ay kaibigan ng anak ng biktima at tauhan sa kanilang grocery store.
Ayon kay police Lt. Fredwin Sernio, chief of police ng Sual PNP, matapos ang pagnanakaw ay nagawa pang magliwaliw ng mga suspek at namili ng kanilang mga gamit.
Nagtungo sa lungsod ng Alaminos city ang grupo para mamili ng cellphone.
Kaduda duda na sa murang edad ay makakabili sila ng mamahaling cellphone.
Matapos ipagbigay alam sa mga otoridad ang insidente ay agad nagsagawa ang mga otoridad ng follow up operation hanggang sa sila ay masakote.
Nakita ang sinakyan nilang kulay pulang Mitsubihsi Lancer na nakaparada sa kanang bahagi ng zigzag road sa barangay Poblacion at naaktuhan ang grupo na itinapon ang vault.
Nabatid sa background investigation na sangkot ang mga ito sa serye ng robbery incidents sa bayan ng Sual at mga karatig bayan at ciudad.
Narekober mula sa mga suspek ang ilang mga gamit na pinamili gaya ng mga mamahaling bag, damit, sapatos, at nabawi rin ang ilang halaga ng ninakaw na pera na 10 piraso ng one thousand piso bills, at tseke.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang iba pang mga kasamahan ng grupo.
Mahaharap sa kaokolang kaso ang apat habang dinala sa DSWD ang tatlong menor de edad.