Umaabot sa pitu ang naitalang casualties sa pananalasa ng bagyong Maring dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Police major Arturo Melchor, Provincial information officer ng Pangasinan Police Provincial Office, sa nasabing bilang apat ang namatay sa landslide sa bayan ng Sison, isa ang nalunod sa bayan ng Alcala, isang nalunod sa bayan ng Lingayen at isa ang nakuryente habang natutulog sa bayan ng Lingayen.
Sa ngayon ay wala na ring napaulat na nawawalang mangingisda.
Ang binabantayan pa rin nila ay mga evacuees na patuloy na binabaha ang lugar.
Sa kasalukuyan ay mayroon 184 pamilya o 760 individual ang nasa evacuation center na puspusang binabantayan ngayon.
Maliban sa kanilang seguridad, tiniyak ni Melchor na binabantayan din ng mga pulis ang kabahayan ng mga evacuees para maiwasan ang panloloob sa mga ito.
Samantala, patuloy naman nilang tinututukan ang ilang mababang lugar na inaasahang na makakaranas pa rin ng pagtaas na tubig.
Sa kabila ng mga nabanggit napangyayare, sinabi ni Melchor na maikukunsiderang well prepared ang mga ibat ibang ahensya sa lalawigan sa pagtugon sa kalamidad.
Giit niya na bago pa ang pananalasa ng bagyo ay naka preposition lahat ng frontliners at full alert ang Disaster Risk Reduction Management team.