Pinag-aaralan ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa pitong indibidwal na pawang mga construction worker na nakapasok sa bayan ng Sual kung saan galing pa ang mga ito sa NCR partikular sa Muntinlupa sa kabila ng ipinapatupad na extreme enhanced community quarantine dito sa probinsya ng Pangasinan.

Ayon kay PCAPT. Fredwin Sernio, OIC Chief of police ng Sual PNP na nakapasok ang mga ito sa kanilang bayan tatlong araw na ang nakakalipas matapos mahuli ang mga ito sa checkpoint kung saan sumakay sila sa delivery van at nakalusot sa ilang mga checkpoint na kanilang pinanggalingan sa labas ng probinsya.

Nahuli na umano ang mga ito sa Brgy Poblacion sa nabanggit na bayan at agad namang inindorso sa kanilang Municipal Health Office upang agad na masuri ang mga ito lalo na kung magpapakita ng sintomas ng covid19 at agarang isinailalim sa quarantine.

--Ads--

Kasalukuyan namang nananatili ang mga ito sa designated quarantine area sa bayan ng Sual.